Ilang planta sa Davao City – sinalakay ng New People’s Army

Manila, Philippines – Sinalakay ng New People’s Army angcompound ng isang fruit company sa barangay Mandug, Davao City.
  Ayon kay Davao City Police Spokesperson Supt. TeresitaGaspan – aabot sa 80 mga rebelde ang pumasok sa barracks ng Lapanday FoodCorporation dakong 3:30 madaling araw kanina.
  Pinostehan din ng mga rebelde ang kalsada patungo salugar at hindi pinayagang makapasok ang mga tao.
  Agad naman sumesponde ang pulisya sa lugar kung saannagkaroon ng palitan ng putok ng baril ang magkabilang panig. 
  Sinasabing isang NPA member ang napatay maliban pa sa mgasugatan.
  Nauna dito ay sinalakay rin ng mga rebelde ang Macandrayplastic plant sa barangay bunawan kung saan ay kanila ring dinisarmahan ang mgasecurity guards sa lugar.
  Kasabay nito ang kanilang paglusob sa Lorenzo ranch sa nasakop ng barangay Pangyan at Calinan na nagresulta sa pagkakasugat ng isangsecurity guard.
 

Facebook Comments