Sampung pulis, tumaas ang presyon habang nagbibigay ng seguridad sa ASEAN Summit

Manila, Philippines – Tumaas ang presyon ng sampung pulishabang nagbibigay ng seguridad sa ASEAN Summit.
Partikular na tinukoy ng Dept. of Health ang mga pulis nanag sisilbing bantay sa mga posibleng rally at route security.
Ayon sa DOH, sumama ang pakiramdam ng mga ito dahil sa sobrang init ng panahon.
Nabatid na may isang pulis na ang dinala sa ospital pero matapos ang pagsusuri sa kanya ay pinauwi rin ito at hindi na kinailangan pangi-confine.
May dalawang mobile clinic mula sa Jose Reyes Memorial Medical Center at Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang nag-iikot para tingnan ang kalagayan ng mga pulis na naka deploy.
Bukod sa mga tauhan ng PNP, mino-monitor din ng mobile clinics ang mga delegates ng ASEAN.

Facebook Comments