Malaki umano ang mawawala sa ekonomiya ng bansa kung tuluyang aalisin sa Pilipinas ang mga natitirang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Sa ginanap na joint hearing kaugnay sa pakinabang ng bansa sa mga POGO, sinabi ng isa sa mga POGO Representative na si Property Consultant David Leechiu na bilyun-bilyong piso ang mawawala sa bansa kapag umalis ang mga POGO.
Sa taunang renta sa opisina ng mga POGO na may 1.05 million square meters sa kabuuan, ₱18.9 billion ang mawawala rito.
Nasa ₱28.6 billion ang mawawala sa annual housing rent habang 347,000 na empleyado ang mawawalan ng trabaho.
Kasabay ng pagkawala ng trabaho ang ₱54 hanggang ₱57 billion ang mawawala sa makokolektang income tax mula sa foreign employees.
Giit ni Leechiu, kailangan ng bansa ng POGO at sa panahon ngayon na bumabangon mula sa epekto ng pandemya ay mas dapat pa ngang hinihikayat ang employments at investments.