Ilang police boxes at PCP, ipapasara ni Gen. Torre

Bilang bahagi ng kampanya para palakasin ang presensya ng mga pulis sa kalsada, ipapasara ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III ang ilang police boxes at police community precincts (PCP).

Ayon kay Torre, kung wala namang aktibong imbestigasyon sa PCP, dapat ay naka-mobile na ang mga pulis, may dalang radyo, at nagpapatrolya sa mga lansangan.

Giit ni Torre, kung walang ginagawa sa loob ng istasyon, mas mainam na umiikot na lang ang mga pulis sa mga komunidad.

Nabatid na karaniwang ginagawang tambayan lang ang ilang PCP ng mga pulis.

Kaugnay nito, tiniyak din ni Torre na kasabay ng pagpapalakas sa 911 hotline, lalapit na ang mga pulis mismo sa mga nangangailangan ng tulong imbes na hintaying lumapit ang taumbayan sa kanila.

Facebook Comments