Ilang policewomen mula sa ibang bansa bumisita sa bansa sa kabila ng banta ng COVID-19

Sa kabila ng pagiging pandemic ng COVID-19, bumisita sa Camp Crame ang ilang policewomen mula sa mga bansang Malaysia, Thailand, Myanmar at Indonesia kaugnay pa rin sa pagdiriwang ng International Women’s Month.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Highway Patrol Group Spokesperson Lieutenant Colonel Madel Pedrezuela ang pagdating ng mga policewomen sa bansa ay para maging audience at makita ang galing ng mga babaeng pulis na nakatalaga sa PNP Highway Patrol Group sa pagmomotorsiklo.

Pagmamalaki ni Pedrezuela, ang mga babaeng pulis HPG ay tatlong taon nang nakatalaga sa EDSA para tumulong sa pagmamando ng trapiko.


Aniya, naging epektibo ito dahil walang kotong at bangayan sa pagitan ng policewomen at motorista.

Sa pahayag naman ng Directorate for Police Community Relations siniguro nila ang kaligtasan ng mga delegado at mga kawani ng PNP laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pre-screening at social distance.

Facebook Comments