Ilang pribadong kolehiyo, unibersidad – humihirit ng taas tuition!

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Commission on Higher Education (CHED) na may mga pribadong unibersidad at kolehiyo na ang nagpasa ng aplikasyon para sa tuition hike.

Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera, Enero pa lang ay may mga humihirit na ng tuition increase.

Pero wala pa aniya silang naaprubahan dahil pinag-aaralan pa lang ito ng komisyon.


Nabatid na batay sa datos ng National Union of Students of the Philippines (NUSP), higit 1,000 eskuwelahan na umano ang nag-aplay para sa tuition increase.

Facebook Comments