Manila LGU, iginiit na ‘di sila nagpapabayad ng permit para sa mga volunteer ng Manila Bay clean-up

Manila, Philippines – Nilinaw ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila na hindi sila nagpapabayad ng permit sa mga volunteer na magsasagawa ng clean-up drive ng Manila Bay.

Ayon kay City Administrator Atty. Ericson Alcovendaz, peke ang ulat na naglabasan sa social media na naniningil sila ng bayad bago makalahok sa clean-up drive ng Manila Bay.

Aniya, ang pagbibigay ng permit sa mga nais magsagawa ng clean-up drive ay para sa maayos na koordinasyon sa lokal na pamahalan.


Facebook Comments