Ilang pribadong ospital, hindi muna kakalas sa PhilHealth

Hindi muna kakalas ang ilang mga pribadong ospital sa Philippine Health Insurance o PhilHealth kaugnay sa mga hindi pa nababayarang issurance claims o utang nito.

Ito ang sinabi ni Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) President Dr. Jose Rene de Grano sa interview ng RMN Manila matapos ang naganap na negosasyon ng dalawang kampo kaugnay rito.

Sinabi ni De Grano na inumpisahan na ng state health insurance ang pagbabayad ng claims kahit pakaunti-unti lamang na posibleng makumpleto sa loob ng lima hanggang anim na buwan.


Nagbabala naman si De Grano na handa silang kumalas sa PhilHealth anumang oras kapag sa tingin nila na hindi ito susunod sa kanilang kasunduan.

Facebook Comments