
Target ng administrasyong Marcos na makapagtanim ng 100 milyong puno ng niyog sa bansa.
Bilang suporta rito, magtatanim ng 10 milyong puno sa Mindanao ang tatlong pribadong kumpanya pagsapit ng 2030.
Saklaw ng kasunduan ang 100,000 ektarya ng lupa sa Mindanao.
Bukod sa pagbibigay ng dekalidad na punla, sasanayin din ang maliliit na magniniyog sa makabago at makakalikasang paraan ng pagsasaka.
Tutulungan din silang makahanap ng mamimili para mas lumaki ang kanilang kita.
Sa ilalim ng kasunduan, limang milyong puno ang itatanim ng Vita Coco Community Foundation, 3.5 milyon ng Metro Pacific Agro Ventures at 1.5 milyon ng Century Pacific Food Inc., katuwang ang Friends of Hope.
Layunin ng proyekto na mapalitan ang mga tumatanda at kumakaunting puno ng niyog sa bansa










