Tiniyak ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) na hindi magtataas ng singil ang ilang mga pribadong paaralan sa bansa.
Ayon sa COCOPEA, batid ng mga private school ang mga pinagdaraanan ng mga magulang na labis na naapektuhan ng Coronavirus Disease 2019 crisis.
Marami rin anila sa member schools nila ang hindi na nag-apply na magtaas ng tuition at iba pang bayarin.
Sa kabila nito, kinumpirma ni Federation of Associations of Private Schools President Eleazardo Kasilag, na maaaring paaralan ang magsasara bunsod ng ipatutupad na blended learning ng Department of Education (DepEd).
Facebook Comments