Lubog sa baha ang ilang lugar ngayon sa Luzon dahil sa magdamag na pag-ulan dala ng habagat.
Sa Pampanga, labing pitong barangay sa bayan ng San Simon, Lubao at Macabebe ang lubog sa baha.
Aabot sa walong barangay sa Macabebe ang nasa 2 hanggang 3 talampakan ang taas ng tubig dahil sa high tide na pinatindi pa ng pag-ulan.
Kaninang umaga ay sinuspinde na ang klase mula pre-school hanggang senior high school sa buong lalawigan ng Pampanga.
Dahil naman sa baha, bumagal ang daloy ng trapiko sa Mc Arthur Highway sa Marilao, Bulacan.
Apat na barangay din sa Marilao ang hanggang tuhod ang baha, maging ang ilang lugar sa Balagtas, Bulacan at sa Hermosa, Bataan.
Umapaw naman ang tubig sa Waras River sa Nabua, Camarines Sur.
Facebook Comments