Ilang Produktong Pang Noche-Buena, Posibleng Kulangin

40

MANILA – Nagbabala ang maliliit na supermarkets na posibleng kulangin ang suplay ng ilang produktong pang noche-buena.Ito’y dahil sa inaasahang Christmas rush sa mga supermarket, bukas (Dec.16).Dahil dito, iginiit ng mga negosyante na dapat agahan ang pamimili dahil posibleng magka-ubusan ng mga panghanda gaya fruit cocktail, gatas at spaghetti sauce.Aminado naman ang Dept. of Trade and Industry na posibleng magkaroon ng problema sa alokasyon kahit sapat ang suplay.Bunsod nito, hihilingin nila sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung maaring mabigyan ng exemption sa number coding ang mga delivery van para mabigyan ng suplay maging ang maliliit na groceries.

Facebook Comments