Kerwin Espinosa, Nasa Kustodiya Na Ng National Bureau Of Investigation

4

MANILA – Inilipat na sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang confessed drug lord na si kerwin espinosa.Dakong alas 11:30 ng gabi, dumating ang convoy lulan si Kerwin sa compound ng NBI mula sa pagkakadetine nito sa kampo crame.Suot ang bulletproof vest at posas, naging mahigpit ang seguridad sa paglilipat sa kustodiya ni KerwinSi Kerwin ay inilipat sa NBI matapos itong i-kostudiya ng PNP-Anti Illegal Drugs Group (AIDG) mula nang maiuwi ito mula sa Abu Dhabi, kung saan ito nagtago.Nahaharap sa kasong illegal possession on firearms at droga si Kerwin na anak ng napatay na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.Ang branch 14 ng Baybay, regional trial court sa Leyte, ang nag-utos na mailipat sa NBI custody ang suspek.Umaasa naman ito na pangangalagaan ng NBI ang kanyang buhay gaya ng ginawa ng PNP-AIDG.

Facebook Comments