Ilang Programa at Accomplishment ng PNP Tumauini, Ibinahagi!

Tumauini, Isabela – Ibinahagi ng PNP Tumauini ang ilan sa kanilang mga isinasagawang programa at accomplishment sa kanilang nasasakupan.

Sa eksklusibong panayam ng RMN Cauayan kay Police Inspector Nomer Puerto Deputy Chief of Police ng PNP Tumauini kaniyang sinabi na abala ang kanilang tanggapan sa pagsasagawa ng Oplan Katok, Mobile Patrol at Checkpoint upang mapanatili ang kaayusan sa bayan.

Aniya, umabot na sa dalawampu na iba’t-ibang kalibre ng baril ang naisuko sa kanilang tanggapan simula nang maipatupad ang kanilang Oplan Katok.


Habang nakatuon naman anya sa Anti-Criminality Campaign ang kanilang Mobile Patrol na nakaalerto 24/7.

Kaugnay nito, patuloy din ang kanilang pagsasagawa sa Oplan Sita at Comelec Checkpoint bilang bahagi ng pagtiyak ng kapayapaan sa bayan ng Tumauini.

Sinisikap naman ng pamunuan ng PNP Tumauini na mapanatiling tahimik at payapa ang bayan lalo na sa nalalapit na 2019 Midterm Elections.

Samantala, mayroon rin silang programa na pagbisita sa mga Barangay at Eskwelahan na layon bigyan ng kaalaman ang komunidad kaugnay sa salot na dulot ng droga at nakadiin ito sa masamang epekto nito.

Nanawagan naman si PI Puerto sa mga magulang na maging strikto sa mga anak at bantayang mabuti ang mga ito lalo sa gabi dahil umano sa madalas na kabataan ang nasasangkot sa mga aksidente.

Facebook Comments