Ilang progresibong grupo na kinatawan sa Kamara, mababawasan pa

Sa pagpasok ng 19th Congress ay malaki ang ibinawas sa mga kinatawan ng progresibong grupo sa Kamara.

Sa pinakahuling partial and unofficial count, mula sa tatlong kinatawan ay mawawalan ng pwesto ang Bayan Muna sa susunod na Kongreso.

Ang Kabataan Partylist, Gabriela Women’s Party at ACT Teachers Partylist na lamang sa Makabayan Coalition ang maiiwan sa Kamara na may tig-isang kinatawan.


Naniniwala ang Makabayan na matapos payagan ng Commission on Elections o COMELEC at Korte Suprema ang paglahok ng mga partylist na hindi naman kumakatawan sa marginalized sector, ay nagsimula na ang paghahari ng pera at makinarya ng mga malalaking political dynasty at negosyo para dagdagan ang mga kinatawan sa Kongreso.

Bunsod nito ay nawawala na ang kahalagahan ng sistemang Partylist na dapat sana ay para mga mahihirap at sa mga sektor na walang representasyon.

Dagdag pa rito ay nakaapekto rin sa pagkawala ng kanilang mga kinatawan ang mga pagatake mula sa pamahalaan tulad na lamang ng walang tigil na red-tagging at pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso.

Facebook Comments