Ilang provincial bus company, nagte-terminal na uli sa EDSA kahit hindi window hours

Ilang provincial bus company ang gumagamit na ulit ng kanilang mga pribadong terminal sa loob ng Metro Manila kahit hindi pa window hours na ipinatutupad mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.

Ito ay dahil sa inilabas na injunction ng Quezon City Regional Trial Court branch 233 kung saan nakasaad na wala nang bisa ang Inter-Agency Task Force resolution na pinagbatayan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa pagbabawal sa paggamit ng mga bus terminal.

Kasunod niyan, sinabi ni Nagkakaisang Samahan ng mga Nangangasiwa ng Panlalawigang bus sa Pilipinas Executive Director Alex Yague na inaasahang magdaragdag na ng schedule ang mga provincial bus ngayong araw.


Una nang ipinaliwanag ng LTFRB na nananatili ang ban sa paggamit ng bus terminal sa labas ng window hours dahil nasa pandemya pa rin tayo at wala pang terminal na pumapasa sa kanilang inspeksyon.

Facebook Comments