ILANG PROYEKTO NG BRGY. SAN ANTONIO, INILATAG NA

CAUAYAN CITY- Nakalatag na ang iba’t-ibang proyekto ng Brgy. San Antonio para sa ikakaayos at ikakaunlad ng kanilang lugar.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Brgy. Captain Roosevelt Perido Jr., isa sa prayoridad ng kanilang pamunuan ay ang pagpapasemento sa mga mabato at malubak na kalsada sa kanilang lugar.

Aniya, ninanais niyang mapabilis ang transportasyon ng bawat residente at hindi na mahirapan pa sa pag-byahe ng kanilang mga aning produkto.


Bukod dito, may pondo na ring nailaan para sa pagpapasemento ng kanilang tulay na tinatayang nagkakahalaga ng 1.4 milyong piso.

Samantala, puspusan pa rin ang konstruksyon ng bagong barangay hall sa tabi ng kanilang community center.

Facebook Comments