Manila, Philippines – Inaasahang matatapos sa 2018 o sa susunod na taon ang ilang infrastructure projects sa ilalim ng Buid Build Build Program ng Duterte Admnistration.
Kabilang dito ang Cavite Gateway Terminal, Southwest Intermodal Transport Exchange, New Bohol Airport-Panglao, Mactan-Cebu International Airport at ang Light Rail Transit (LRT) 2 East Extension Project.
Nuong Abril matatandaang pinangunahan ng DOTr ang ground breaking ng Cavite Gateway Terminal, ang kauna unahang barge terminal sa bansa kung saan inaasahan pag natapos ang proyekto ay ay mababawasan ang mga dumadaang truck sa Metro Manila.
Dumadaan din sa imporovement & modernization ang ilang pantalan sa bansa tulad ng Iloilo, General Santos, Cagayan de Oro, Zamboanga, Basco, Bataraza, Calapan, Catagbacan, Dapitan, Larena, Legazpi, Makar, Matnog, Opol, Tacloban, Tagbilaran, Tubigon, Iligan at Surigao port.
Tuloy tuloy din ang paggawa sa LRT-1 Cavite Extension project maging ang LRT-2 kung saan hanggang Antipolo na ang magiging byahe nito.
Maliban dito, isinusulong din ng DOTr ang pagkakaroon ng subway system sa bansa kung saan inaasahang uumpisahan ang konstruksyon nito sa 2019 at matatapos sa 2025.