Ilang flights, kanselado ngayong araw dahil sa sama ng panahon

Manila, Philippines – Kinansela ang dalawang domestic flights ng Cebu Pacific ngayong araw dahil sa umiiral na sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority, sinuspinde na ng Cebu Pacific ang mga sumusunod:
5J 506: Manila – Tuguegarao
5j 507: TUGUEGARAO – MANILA

Maging ang klase sa Cagayan ay kinansela rin dahil naman sa baha.


Una nang sinabi ng PAGASA na tatlong weather conditions ang umiiral ngayon sa halos buong bansa.

Facebook Comments