Ilang proyekto ng pamahalaan, nade-delay na dahil sa paghihigpit at isyu ng flood control anomaly —DPWH

Aminado ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na naaantala na ang ilang proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan.

Ito ay dahil sa mga paghihigpit na ginagawa upang maiwasan ang pagkasayang ng pondo dahil sa korapsyon.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, nakaaapekto rin dito ang isyu ng maanomalyang flood control projects at ang isinasagawang imbestigasyon.

Pero sabi ng kalihim, bagama’t nalulungkot sila ay kailangan gawin ito para na rin hindi masayang ang pera ng taumbayan.

Sa kabila niyan, tiniyak ni Dizon na minamadali pa rin ang mga mahalagang proyekto gaya ng pagpapatayo ng bagong tulay sa Cagayan na iniutos na rin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na madaliin.

Facebook Comments