Cauayan City, Isabela- Isasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang ilang bahagi ng tatlong barangay sa bayan ng Cabarroguis sa lalawigan ng Quirino dahil sa dumaraming bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19.
Ito ay batay sa nilagdaang Executive Order no. 34 ni Mayor Willard Abuan.
Nakasaad sa kautusan ang pagsasailalim sa ECQ sa ilang purok ng mga Barangay ng Gundaway, Mangandingay habang buong barangay naman ng San Marcos dahil sa mataas na bilang ng mga positibo sa virus.
Kabilang dito ang Portion of Purok 3, 4, at 5 ng Barangay Gundaway; at bahagi ng Purok 4 at 5 ng Barangay Mangandingay.
Tatagal ang nasabing pagpapatupad nito simula March 18 sa oras na alas-6:00 ngayong gabi hanggang March 23, 2021.
Facebook Comments