Cauayan City, Isabela- Isinailalim sa ‘localized lockdown’ ang ilang purok mula sa 9 barangay ng City of Ilagan dahil sa patuloy na pagkalat ng COVID-19 virus.
Alinsunod ito sa Executive Order no. 50 na nilagdaan ni Mayor Josemarie Diaz.
Nagsimula na ngayon pasado alas-12:00 ng tanghali ang naturang lockdown at matatapos hanggang alas-8:00 ng gabi ng September 21.
Kabilang sa lockdown ang ilang purok sa mga barangay ng Alibagu, Calamagui 2nd, Bliss Village, Baligatan, Baculod,Guinatan, Alinguigan 3rd, San Vicente at Cabannungan 2nd.
Ikinategorya naman sa critical zone ang mga nabanggit na purok at barangay.
Kaugnay nito, iiral pa rin ang ilang panuntunan gaya ng liqour ban, curfew hours simula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.
Samantala, ipinagbabawal ang paglabas ng mga residente maliban na lamang kung kinakailangan na bumili ng gamut o iba pang mahahalagang gawin.