Ilang Purok sa 14 Barangay ng City of Ilagan, Isinailalim sa Localized Lockdown

Cauayan City, Isabela- Muling isasailalim sa ‘localized lockdown’ ang Barangay Bliss Village at ilang purok mula sa 14 barangay ng City of Ilagan, Isabela dahil sa patuloy na pagkalat ng COVID-19 virus.

Alinsunod ito sa Executive Order no. 48 na nilagdaan ni Mayor Josemarie Diaz.

Magsisimula ang naturang lockdown bukas, September 8, 2021 pasado alas-12:00 ng tanghali at matatapos hanggang alas-8:00 ng gabi ng September 12.


Kabilang rin ang ilang purok sa mga barangay ng Alibagu, Calamagui 2nd, Baculod, Guinatan, Alinguigan 3rd, Aggasian, Calamagui 1st, Cabisera 25, Marana 2nd , Sta. Catalina, San Ignacio, San Felipe, Osmeña at Sta. Barbara.

Samantala, sa pinakahuling datos ng Isabela Provincial Health Office as of September 6, 2021 ay mayroong 97 na aktibong kaso ang City of Ilagan.

Facebook Comments