Pagpapatupad ng GCQ sa NCR, ipinagpaliban; Metro Manila, mananatili sa MECQ hanggang Sept. 15

Ipinagpaliban ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpapatupad ng General Community Quarantine (GCQ) with Alert Levels System sa National Capital Region (NCR) na magsisimula na sana bukas, September 8, 2021.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mananatili ang NCR sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang September 15, 2021.

Dahil dito, bawal pa rin ang indoor at al-fresco dine-in services, at personal care services kabilang ang beauty salons, beauty parlors at nail spa.


Mananatili rin na online ang mga religious services.

Papayagan naman ang mga magkakamag-anak na dumalo sa burol at libing basta hindi namatay sa COVID-19 ang namayapa.

Facebook Comments