Manila, Philippines – Kambyo ang Palasyo ng Malacañang sa issue ng Redaction o pagtatago ng impormasyon sa mga Statement of Asset Liabilities and Net Worth ng mga Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaan kasi na sa inilabas na SALN ng Malacañang ng mga gabinete ay hindi kasama sa inilabas na impormasyon sa media ang presyo o acquisition Value ng kanilang mga ari-arian.
Ayon kay National Privacy Commission Deputy Commissioner Ivy Patdu, hindi naman sensitibong impormasyon ang acquisition value ng kanilang mga pagaari kaya walang dahilan para ito ay ipagkait sa publiko o magsagawa ng redaction.
Ang hindi lang aniya maaaring ilabas ay ang mga personal na impormasyon na maaaring maglagay sa alanganin ang seguridad ng opisyal ng Pamahalaan dahil ito ay pinoprotektahan ng Data Privacy Act at ng saligang batas. Sinabi naman ni Presidential Communications Assistant Secretary Kris Ablan, handa silang sumunod sa kung anoman ang nakasaad sa batas.
Ilang Redaction sa mga impormasyon sa SALN ng mga gabinete, hindi tama – National Privacy Commission
Facebook Comments