Ilang regulasyon ng UP system na may kinalaman sa pandemya kabilang ang no-fail policy, tinanggal na

Tinanggal na ng University of the Philippines (UP) ang mga panuntunan na ipinatupad ng unibersidad bunsod ng COVID-19 kabilang dito ang no-fail policy.

Kasunod ito ng pagsisimula ng UP sa transition ng in-person classes ngayong academic year 2022-2023.

Sa inilabas na memorandum ng UP Office of the Vice President for Academic Affairs, maliban sa no-fail policy ay epektibo na rin muli ang ilang sinuspindeng panuntunan na may kinalaman sa academic delinquency, degree program retention, prerequisites at deadline sa pagdrop at leave of absence at iba pa.


Sa kabilang banda, nananatili pa ring suspendido ang limitasyon sa bilang units na ituturo ng mga lecturers at maging ang limitasyon sa bilang ng faculty members na maaaring mag-study leave.

Iginiit naman naman ng UP Office of the Student Regent (OSR), at ng university student councils (USCs) sa iba pang campus na dapat manatiling suspendido ang mga ibinalik na polisiya.

Facebook Comments