Nagsagawa ng interfaith rally ang ilang religious group sa mismong tapat ng Commission on Election (COMELEC) sa Intramuros, Maynila.
Ito’y sa pangunguna ni Father Robert Reyes, Father Noel Gatchalian at Mnsgr. Mel David kasama ang ilang miyembro ng TNTrio Supreme Court Mandamus Coalition at Filipino Patriots in Support of 1sambayan.
Isinagawa nila ang misa at rally sa COMELEC, para ipaalam ang kanilang mga hinaing at mga kwestyon hinggil sa nangyaring eleksyon noong May 2022.
Giit nila, imposible at hindi maaaring mangyari na nagkaroon agad ng halos 20 milyun na boto si Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Muli nilang tanong sa COMELEC kung nasaan na ang sinasabing transmission logs para mapatunayang nanalo nga si Pangulong Marcos Jr.
Sakaling hindi ito maipakita, malinaw na nagkaroon ng malawakang dayaan upang mapaupo lamang sa pwesto ang kasalukuyang presidente.
Kaugnay nito, umaasa na lamang sila sa resulta ng iniahin nilang petisyon sa Supreme Court at upang mailabas na ang katotohanan.