Ilang repatriation flights para sa mga stranded nating mga kababayan sa UAE at Oman, itinakda ng DOLE

Magkakaroon ng scheduled repatriation flights ang mga stranded nating mga kababayan dahil sa umiiral na travel restrictions sa United Arab Emirates (UAE) at Oman.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na nasa 350 mga Overseas Filipino Worker (OFW) ang nakatakdang dumating sa bansa sa July 26 via chartered flight.

Habang panibagong batch din ang uuwi sa Aug 5 at Aug 10, 2021.


Ayon kay Sec. Bello lahat ng paraan ay ginagawa ng pamahalaan upang maiuwi sa bansa ang ating mga kababayan.

Samantala, upang matiyak na walang dala-dalang virus ang mga ito bago pa lamang sila sumakay ng eroplano ay isasailalim sila sa RT-PCR test at kinakailangang sila ay fully vaccinated.

Pagkauwi sa Pilipinas, isasailalim muli sila sa 7 day quarantine sa ikalimang araw isasalang muli sa swab test at kapag negatibo ay doon pa lamang silang papayagang umuwi ng kanilang mga tahanan.

Facebook Comments