May ilan ng mga bakwit ang nagsibalik sa kani-kanilang mga tahanan matapos ang nangyaring engkwentro sa Sulu nuong Sabado ng umaga.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command Major Andrew Linao ‘yong mga pamilya na malayo naman sa mismong encounter site ay kanila nang pinauwi.
Pero nananatili naman sa mga evacuation centers ang nasa mahigit 1,200 pamilya o 6,000 na mga indibidwal.
Partikular na nanunuluyan ang mga ito sa tatlong evacuation Centers partikular sa Matatal Covered Court, Matatal Elementary School at Mawaji Elementary School.
Kasunod nito, tiniyak ni Major Linao na naaasikaso ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga evacuees.
Sa katunayan, hindi muna sila pinauuwi hangga’t hindi pa naibabalik sa normal ang sitwasyon sa Maimbung, Sulu.
Sa ngayon kasi ay nagpapatuloy ang hot pursuit operations laban sa grupo ni dating Vice mayor Pando Adiong Mudjasan.