ILANG RESIDENTE NG FOREST REGION, UMAALMA SA PAGSASARA NG ALICAOCAO BRDIGE

CAUAYAN CITY- Napapailing na lamang ang ilang residente ng Forest Region sa pansamantalang pagsasara ng Alicaocao Overflow Bridge simula ngayong araw ika-19 ng Agosto hanggang ika-2 ng Setyembre.

Sa panayam ng IFM News Team kay Daniel Batoy, Brgy. Kagawad ng Casalatan, mas nararapat sanang itinaon na bakasyon ng mga mga-aaral ang pagsasaayos sa nasabing tulay.

Aniya, doble pahirap ito sa mga mag-aaral lalo na at may mga oras itong hinahabol sa pagpasok sa paaralan.


Bukod sa mga mag-aaral, pinaka-apektado rin ang mga may trabaho sa bayan katulad ng mga government employees kung saan aagahan na lamang ng mga ito na pumasok upang hindi mahuli sa trabaho.

Facebook Comments