Naghain ng kaso sa Office of the Ombudsman ang ilang residente ng General Santos City laban sa polisiya ng pagbabakuna ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Sa limang pahinang reklamo, iginiit ng mga complainant na ilegal ang mga vaccination requirement na nakasaad sa IATF resolution no. 148-B.
Hindi kasi ito sumusunod sa section 12 ng COVID-19 vaccination program Act kung saan nakasaad na hindi dapat requirement sa pag-aaral, trabaho at anumang transaksyon sa gobyerno ang mga vaccination cards kaya hindi ito dapat obligahin.
Mahalaga rin anila ang kusang desisyon ng publiko sa pagbabakuna.
Samantala, kinuwestiyon din ng mga complainant ang requirement sa regular na pagpapaswab test ng mga empleyado dahil napakamahal ng RT-PCR test.
Kabilang sa mga pinapasagot ng mga complainant ay sina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles.
Wala pa namang sagot ang dalawa hinggil sa reklamo.