Cauayan City – Bahagyang nahirapan sa pagtawid sa ilog ang ilang mga residente sa lungsod ng Cauayan dahil sa kaukulangan sa bangkang de motor kaninang umaga.
Dahil sa muling pagtaas ng antas ng tubig-ilog, hindi muling makadaan ang mga sasakyan sa Alicaocao Overflow Bridge.
Dahil dito, motorized bangka muli ang pansamantalang naging transportasyon ng mga residente sa pagtawid sa ilog subalit nahirapan ang mga ito dahil iisa lamang ang namasadang bangka kaninang umaga.
Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team, inarkila umano ang dalawang bangka upang magsakay ng tractor sa barangay Baringin Sur kaya naman iisa lamang ang natirang bangka upang magsakay ng mga pasahero.
Sa kabutihang palad, hindi nagtagal ay muling dumating ang dalawang pampasaherong bangka sa ilog kaya naman mas magiging mabilis na ang paghihintay ng mga pasahero sa magkabilang panig ng tulay.