CAUAYAN CITY – Isinagawa ng Provincial Social Welfare – Isabela ang pamamahagi ng buwanang bigas para sa mga Tricycle Operators and Drivers Association (TODA), Persons with Disabilities (PWDs), mangingisda, at Former Rebels (FRs) sa San Mariano, Isabela.
Katuwang ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan kasama na ang kasundaluhan ng 95IB, matagumpay na naipamahagi ang kilo-kilong bigas sa nasa 1,716 na TODA members, 434 PWDs, 75 mangingisda, at 245 FR.
Ang pamamahagi ng nasabing bigas ay bahagi ng ipinangako ni Gov. Rodito Albano III na buwanang suplay ng bigas bilang tulong sa mamamayang Isabeleño.
Umaasa rin ang Gobernador na sa pamamagitan nito ay wala nang Isabeleño ang magugutom lalo pa at isa ang Isabela sa top producer ng bigas sa buong bansa.