Ilang residente sa Villasis ang umalma online dahil sa umano’y hindi patas na pagpili ng mga kandidata para sa taunang pageant na bahagi ng Town Fiesta.
Lumitaw ang hinaing ng mga residente matapos ilabas ng lokal na pamahalaan ang opisyal na listahan at mukha ng mga kandidata para sa korona bilang Miss Villasis 2026.
Sa mga komento, saad ng ilan ang hindi umano patas na pagpili dahil hindi lahat ng barangay ay may representate gayong umabot sa dalawa ang napiling kandidata sa ibang barangay. Dagdag pa rito ang pagbibigay umano ng kontribusyon ang lahat ng barangay ngunit wala namang kandidata na susuportahan.
Isa pang pinunto ng mga residente ang striktong implementasyon ng criteria sa height ngunit may mga nakakalusot naman umano na hindi kwalipikado dito.
Dahil dito, paano pa umano matatawag na Miss Villasis ang patimpalak kung hindi lahat ay nabigyan ng pagkakataon makasama.
Samantala, ayon naman sa opisyal na pahayag ng lokal na pamahalaan, parehong criteria noong 2024 ang ginamit ng komite na nakabase sa criteria ng Limgas na Pangasinan pageant at July 29 pa ng ipaskil ang criteria para sa mga nagnanais kumandidata.
Humingi naman ng paumanhin ang lokal na pamahalaan sa mga kandidata na hindi nakapasok sa mga itinakdang criteria.
Ang taunang pageant na Miss Villasis ay pinagmumulan ng kandidatang pambato ng bayan sa Limgas na Pangasinan.
Kaugnay nito, nauna na ring inilabas ng lokal na pamahalaan ang pagkakasunod-sunod ng mga aktibidad para sa pagdiriwang ng Talong Festival sa Enero 2026. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









