Nadaragdagan na ang kinikita ng ilang restaurant sa lungsod ng Ilagan isang buwan ng magbalik muli ang face-to-face classes ng mga mag-aaral.
Ayon sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Binibining Jemalyn Briones, tindera sa isang restaurant, kahit paano ay nadagdagan na ang kanilang kinikita kung ikukumpara noong kasagsagan ng mga serye ng lockdowns dulot ng pandemyang COVID-19.
Sinabi niya na mahina ang kanilang benta noong walang face-to-face na pasok ang mga estudyante at ang tanging mga customer nila ay ang mga empleyado ng City hall na hindi rin naman karamihan.
Ngunit aniya, ang kinakaharap namang suliranin ng kanilang negosyo ay ang patuloy na pagtaas ng mga presyo ng mga sangkap na kanilang iniluluto.
Facebook Comments