Inihayag ng Restaurant Owner of the Philippines (Resto Ph) na may ilang restaurant pa rin ang hindi operational sa kabila ng pagsasailalim ng Metro Manila sa Alert Level 4.
Ayon kay Resto Ph President Eric Teng, hindi makapagbalik-operasyon ang ilang negosyo dahil wala pa rin silang kakayahang magpasahod ng mga empleyado bunsod ng panuntunang 10% capacity lamang ang papayagan sa mga dine-in restaurants.
Ayon kay Teng, malaking hamon para sa ilang negosyo dahil karamihan rin sa mga ito ay walang espasyo para sa al fresco dining.
Pero sa kabuuan, marami ring mga negosyo ang muling nagbukas simula nang luwagan na ang restriksyon sa Metro Manila.
Sa ngayon, patuloy pa rin nilang tinutulungan ang ilang negosyong na manatiling operational sa gitna ng pandemya.