ILANG SAKIT; NAITALA SA BRGY. SAN LUIS DAHIL SA PABAGO-BAGONG PANAHON

CAUAYAN CITY – Hindi maiwasan ang paglaganap ng sakit dahil sa pabago-bagong panahon.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Ginang Delia Lardizabal, Midwife 1 ng Brgy. San Luis, madalas na maitala sa kanilang lugar ang mga sakit na ubo, sipon, at lagnat.

Dagdag pa ng ginang, ilan sa mga madalas maubos na gamot sa kanila ay antibiotic, paracetamol na syrup, tablet, at drop, anti-fungal ointment para sa mga kati-kati, maintenance sa high blood gaya ng losartan, Amlodipine, at Methformine para sa mga diabetic.


Watch more balita here: 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗨𝗟𝗔𝗬 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔; 𝗜𝗕𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗟𝗜𝗛𝗜𝗡, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢

Sinabi rin ni G. Lardizabal na nagkakaroon ng quarterly na alokasyon ng medisina ang CHO2 habang yearly naman sa kanilang barangay.

Nagsasagawa naman ng monthly clean up drive ang kanilang barangay upang maiwasan ang paglaganap ng Dengue sa kanilang lugar lalo na at magsisimula na naman ang tag-ulan.

Facebook Comments