Ilang salita sa “The Lord’s Prayer,” binago

Binago ni Pope Francis ang ilang salitang ginamit sa “The Lord’s Prayer” o “Ama Namin.”

Ayon sa Santo Papa – mas magiging tama na ang pagsalin ng dasal sa wikang Ingles mula sa original ancient Greek version, na isinalin din sa Armaic.

Aniya, ang lumang wordings kasi ay tila nangangahulugang inihahatid ng Diyos ang mga Katoliko sa kasalanan.


Mula sa dating “lead us not into temptation” – ay naging “do not bring us to the test” sa new English bible – ay papalitan bilang “do not let us fall into temptation”

Higit isang bilyong Katoliko ang inaasahang mag-a-adjust sa bagong bersyon ng Ama Namin na itinuro ni Hesus sa kanyang mga disipulo.

Facebook Comments