Inihayag ng pamunuan ng Government Service Insurance System (GSIS) na balik-operasyon na muli bukas, Mayo 17, ang ilang tanggapan ng GSIS matapos ang ilang buwan na non-operational nito dahil sa COVID-19.
Sa abiso ng GSIS, ang mga tanggapan nito sa Pasay City, Quezon City, Bulacan at Laguna ay papayagan na muling magbukas para magbigay ng serbisyo sa mga miyembro.
Ang mga serbisyo ng eCard, cashering at check releasing at issuance ng certicates ang ibibigay ng mga nabanggit na branches pero limitado sa apat na oras mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali ang magiging office hour ng mga ito.
Subalit ang mga kliyente na nasa bisinidad na ng mga opisina bago ang alas-12:00 ng tanghali ay kanila pa ring seserbisyuhan kahit lagpas na alas-12:00 ng tanghali.
Ang pagsasagawa ng annual pensioners information revalidation interviews ay magiging online pa rin.