Ilang Sementeryo Sa Luzon, Lubog Pa Rin Sa Baha

9

MANILA – Ilang araw bago ang undas, lubog pa rin sa baha at puno ng debris ang ilang sementeryo sa mga lalawigan sa Luzon matapos na tamaan ng bagyong Lawin.Sa bayan ng masantol sa Pampanga, hanggang tuhod ang baha sa isang sementeryo.Hirap tuloy ang publiko na malinisan ang puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.Samantala, isang sementeryo din sa Dagupan City ang mayroon pang baha at puno ng basura at debris na iniwan ng bagyong Lawin.Tiniyak naman ng pamahalaang lungsod na lilinisin ang sementeryo bago ang undas.

Facebook Comments