Bagong circular ng PhilHealth, pagpupulungan bukas ng House Committee on Wealth at PHA

Makikipagpulong bukas ang House Committee on Wealth sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at sa Philippine Hospital Association (PHA) para i-update ang circular ng PhilHealth kaugnay sa suspensyon ng payment claims.

Sa inilabas na pahayag ni Quezon Representative Helen Tan, Chair ng Health Committee, isasagawa ang pagpupulong upang linawin ang circular at maibalik ang magandang relasyon ng state health insurer at healthcare institutions providers.

Nabatid na nitong nakalipas na araw ay sinabi ni PHA President Dr. Jaime Almora na ilang ospital ang naalarma sa bagong circular ng PhilHealth na pansamantalang suspensyon ng payment claims na kasalukuyan nang iniimbestigahan.


Ipinagtanggol naman ito ni PhilHealth spokesperson Shirley Domingo at sinabing taunan na silang naglalabas ng circular magmula pa noong 2016.

Inilabas ang bagong circular dahil sa bilyon-bilyong pisong hindi nabayaran ng PhilHealth sa mga ospital.

Facebook Comments