Tiwala sina Senators Christopher “Bong” Go at Richard Gordon na ang bagong Manila International Airport project sa Bulacan ay daan para ma-decongest ang Metro Manila at iba pang metropolitan areas.
Positibo rin sina Go at Gordon na maghahatid ito ng economic opportunities sa labas ng Metro Manila dahil tiyak na hihikayat ito ng maraming mga investors.
Ayon kay Go, magbibigay rin ito ng kabuhayan sa maraming Pilipino lalo na sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
Ipinagmalaki naman ni Gordon na ang proyekto ay umaayon sa layunin ng inihain niyang RICH bill o Regional Investment and Infrastructure Coordinating Hub para sa Central Luzon.
Ang proposed Bulacan International Airport na popondohan ng ₱735.6 billion ay magkakaroon ng kapasidad para sa 100 milyong pasahero kada taon na tatlong beses na mas malaki kumpara sa kapasidad ng Ninoy Aquino International Airport.