Nais ni Senator Bong Go na i-ban din sa Pilipinas ang mga US Senators.
Kasunod ito ng panawagan ng ilang US Senators na i-ban sa Amerika ang mga Philippine Officials na nasa likod ng pagpapakulong kay opisyal gobyerno na nasa likod ng pagpapakulong kay Senadora Leila de Lima.
Ayon kay Go – iminungkahi na niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag papasukin sa bansa ang mga mambabatas ng Amerika.
Sinabihan pa nito sina US Senators Dick Durbin at Patrick Leahy, ang may-akda ng resolusyon na huwag makialam at respetuhin ang judicial system ng bansa.
Nanindigan din ang Senador na dumaan sa tamang proseso ang kaso ni de Lima.
Matatandaang February 2017 pa nang makulong ang Senadora dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa illegal drug activities sa Bilibid.
Nauna nang binatikos ni Senate President Tito Sotto III ang nasabing resolusyon ng mga US Senators.
Banta nito, ano kaya kung ang i-ban din nila ang mga opisyal ng Amerika na sangkot sa impeachment probe laban kay US President Donald Trump.