Travel ban ng US Senators, tinawag na pambu-bully ni Senador Richard Gordon

Tinawag na pambu-bully ni Senator Dick GordonĀ  ang resolusyon ng US Senate Panel na i-ban sa Amerika ang mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas.

Aniya, kagaya rin ito ng ginagawang pambu-bully ng China sa Pilipinas sa isyu sa West Philippine Sea.

Giit ni Gordon, panghihimasok sa judicial system ng bansa ang naging hakbang ng mga US Senators.


Tingin niya, pasabog lang ito ng US democrats dahil nalalapit na ang kanilang eleksyon.

Facebook Comments