Tama lang para kay Senator Kiko Pangilinan na pumasok ang United Nations sa patuloy na mga kaso ng pagpatay sa Pilipinas.
Pahayag ito ni pangilinan kaugnay sa rekomendasyon ng human rights experts ng UN na paimbestigahan sa UN Human Rights Council o UNHRC ang mga itinuturing nilang unlawful deaths at police killings sa gitna ng war on drugs ng administrasyong duterte.
Ipinunto ni Pangilinan na kasapai tayo sa UN at bilang kasapi ay may tungkulin at responsibilidad tayo bilang isang bansa na ipatupad ang ilang mga international treaties tulad ng UN Convention on Human rights at International Covenant of Civil and Political Rights.
Giit naman ni Senator Leila De Lima, mayroon ng krisis sa karapatang-pantao sa bansa.
Ayon kay De Lima, patuloy ang pagpatay sa mga drug suspect habang tumatanggi naman si Pangulong Rodrigo Duterte na harapin ang mga pag-abuso ng mga pulis at security forces.
Paliwanag naman ni Senator Panfilo Ping Lacson, dapat respetuhin ng Pilipinas at i-welcome ang sinumang opisyal mula sa UN kung saan tayo ay kasapi.
Sabi pa ni Lacson, rekomendasyon lang ang ibinigay ng UN experts on Human Rights at bahala na UNHRC sa kanilang magiging aksyon.