Raffy Tulfo bumwelta kaugnay ng bigamy case laban sa kanya

44710

Dinepensahan ni Raffy Tulfo ang kanyang sarili matapos sampahan ng kasong bigamy ni Julieta Nacpil Licup kahapon sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Ayon sa mamamahayag, kasal na si Licup sa isang banyaga at humihingi ito ng 100 million pesos. Aniya, kapag hindi naibigay ang pera, sisirain ng nagpakilalang asawa ni Tulfo ang buhay nito.


She’s already married to a foreigner and she’s asking P100 million or else gigibain daw niya ang buhay ko. I have the letter from her lawyer. It is blackmail and extortion,” pahayag ni Tulfo.

Salaysay ni Licup nitong Lunes sa media, sila ay kinasal ni Tulfo sa Capas, Tarlac noong Oktubre 25, 1982. Tatlong buwan buntis siya nung iniwan ng broadcast journalist dahil sa matinding pagtatalo. Inakala niyang patay na si Tulfo dahil hindi ito mahanap.

Nagulat siyang sikat na pala si Tulfo at nagpakasal na ito sa kasalukuyang maybahay na si Jocelyn Pua.

Facebook Comments