Ilang senador naging matiwasay ang pagboto

54

Naging maayos at hindi naman nagkaproblema sa pagboto ang ilang mga senador na kandidato rin ngayong eleksyon.

Si Senator Joel Villanueva, kasama ang misis na si Gladys bomoto na sa Bunlo Elementary School sa Bocaue, Bulacan habang si Senator Risa Hontiveros ay bomoto naman sa North Susana, Quezon City. Si Senator Win Gatchalian sa Canumay West Elementary School, Valenzuela City.

Samantala, si Senate Majority Leader Juan “Migz” Zubiri ay bomoto sa San Miguel Elementary School San Miguel, Maramag, Bukidnon.


Si Senate President Vicente “Tito” Sotto na tumatakbo bilang pangalawang pangulo ay bomoto sa Whiteplains, Quezon City kasama ang kanyang misis ang aktres na si Helen Gamboa at ang kanyang ka-tandem na si presidential aspirant Senator Ping Lacson bomoto na sa Bayan Luma 1 Elementary School sa Cavite.

Si Sen. Imee Marcos ay bomoto na rin sa Cabeza Elem School, Laoag City, Ilocos Norte. Bomoto na rin ang kanyang kapatid na si presidential aspirant former Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Mariano Marcos Elementary School sa Batac, Ilocos Norte kung saan bomoto na rin ang inang si dating First lady Imelda Marcos gayundin ang apo nito na si Gov. Matthew Marcos Manotoc.

Si Promdi presidential aspirant Senator Manny Pacquiao ay bomoto na rin sa Kiamba Central School, SPED Center.



Facebook Comments