Monday, November 30, 2026

Pinay recruiter na nambiktima sa 30 Filipino workers sa Dubai, pinatitiyak sa pamahalaan na pananagutin

Hiniling ni Senator Erwin Tulfo na panagutin ang pinay recruiter na nambiktima sa 30 Pilipino na pinangakuan ng magandang trabaho at mas malaking sahod sa Russia.

Sinabi ni Tulfo na pinangakuan ng pinay recruiter ang mga kababayan ng trabaho na gagawa ng kampo ng sundalo at maglilinis ng mga bunker at iba pang manual labor kapalit ng sahod na P3,500 kada buwan at sign-in bonus na P150,000.

Ngayon aniya ay sapilitang ginawang sundalo sa Russia ang 30 Filipino workers sa Dubai dahil sa isang Pinay recruiter na nakabase sa United Arab Emirates (UAE).

Giit ni Tulfo, Vice Chairman ng Senate Committee on Foreign Relations, dapat na habulin ang illegal recruiter na to at papanagutin sa ginawang panloloko sa mga Pilipino.

Umapela si Tulfo na iuwi sa Pilipinas ang nasabing recruiter at ikulong base sa mga karampatang kaso na ipapataw laban sa kanya.

Naunang nanawagan sa pamagitan ng social media ang mga naturang OFW sa Russia na tulungan sila ng pamahalaan sa sinapit nila.

Facebook Comments