Ilang senador, tiwala pa rin sa pangangasiwa ni VP Sara Duterte

Tiwala si Senator Christopher Bong Go sa kakayahan ni Vice President Sara Duterte na pangasiwaan ng mabuti ang pondo ng Office of the Vice President at Department of Education.

Sa kabila na rin ito ng pagkwestyon ng ilang mga mambabatas kung paano ginastos ng mga tanggapan na pinamumunuan ni VP Duterte ang milyun-milyong confidential funds.

Ayon kay Go, ang mahalaga dito ay nagagamit sa tama at napapakinabangan ng taumbayan ang pondo sa mga programa at proyekto.


Sinabi ng senador na malaki ang tiwala niya sa Bise Presidente lalo na sa integridad at kakayahan nito na magpatupad ng mga programa ng OVP at DepEd.

Kumpiyansa rin ito na hindi masasayang ang pondo ng bayan sa ilalim ng pamamahala ng vice president.

Facebook Comments