Ilang senador, umaasang irerekonsidera ng CHED ang pagpapatupad ng Limited face to face classes

 

Umaasa sina Senator Risa Hontiveros at Francis Kiko Pangilinan na irerekonsidera ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagpapatupad ng limited face to face simula sa January 31 kahit patuloy ang paglobo ng aktibong kaso ng COVID-19.

Giit ni Hontiveros, dapat ay ang kalusugan at ang kaligtasan ng mga estudyante at guro ang palaging prayoridad.

Paliwanag ni Hontiveros, hindi naman maaring payagan ang mga maysakit na guro na humarap at magturo sa mga estudyante na delikado ring mahawa ng COVID-19.


Paalala ni Hontiveros, ang kalusugan ng ating mga guro ay kalusugan din ng ating mga anak.

Mungkahi naman ni Senator Pangilinan sa CHED, ipatupad muna ang limited face to face classes sa mga lugar na mas mababa ang alert levels.

Giit ni Pangilinan, hindi pwede na isang polisiya lamang para sa lahat ng lugar.

Facebook Comments